Ating Alamin

Mga Sangkap Upang Magwagi (Part II)

 

Ni Tommy de Vera (TDV)

 

(Matagal na nagsilbing miyembro ng Board of Directors ng PHA at RPAP)

 

Dahil sa kahilingan ng marami, pinanatili kong sa Pilipino at halong English ang isinulat kong ito. Tinalakay natin noong nakaraan  ang Ating Alamin-(Part 1) ang mga sumusunod: 1) kahalagahan ng tamang pagtayo ng loft, 2) ang pagbili o pamimili ng mga ibon at 3) ang pamamaraan ng pagtuturo sa ibon na panglaban.Sa ngayon ang tatalakayin ko ay ang sa tingin ko pinakamahala at isa sa pinakamahirap sa ating sport o libangan. Dito nakasalalay kung makakamit natin o malalapit sa di-mabilang na tagumpay na tulad ng bituin sa langit o mananatili tayong nakatunganga sa himpapawid at umaasa lamang sa tsamba o magandang ihip ng hangin. Ang katotohanan ay napakaraming magka-kalapate ang hindi magkakaroon o makakapagpalahi ng kampion na ibon,  lalo na  ng “superior na ibon o breeder” sapagkat naniniwala ang karamihan sa suwerte, na hindi kailangan ng masusing pagpapalahi at pagpili ng angkan, dahil nasa ibon lang daw ito kung mananalo o hindi. Minsan gusto kong magpasalamat sa mga fancier na ito dahil sila ang nag-aambag ng marami sa papremyo na kakabigin ko at ng ibang may salungat ang paniniwala, ngunit sa may pagasa pang magbago ng paniniwala…para sa inyo ang artikulong ito.

 

Wastong pamamaraan ng Pagpapalahi (Breeding Technique)

 

Ang matagumpay na breeding ay unang hakbang sa matagumapay na pangangarera. Ang ating layunin sa pagpapalahi ng ibon ay hindi lamang makapag-palabas ng mga inakay na ating mailalaban sa pangkasalukuyan kundi ang mataimtim nahangarin na makabuo ng isang lahi, angkan o pamilya ng panglaban na ibon na may hindi pangkaraniwang likas na lakas ng katawan, tibay, talino, lakas ng loob na tumawid ng dagat, sumalubong sa ihip ng hangin, tiisin ang init ng araw at lamig ng ulan, at magpatuloy umuwi sa oras na ang karamihang kalaban ay sumusuko na. Tanging layunin natin ay makapagpalabas ng mas mataas ang antas ng lahi at resulta sa karera.

 

TDV, mukha yatang suntok sa hangin yan ah..hehehe. Sa maniwala po kayo o sa hindi, nagsimula po ako na may ganyang hangarin at masasabi ko na posible po iyan ngunit tulad ng ibang sport maraming sakripisyo para marating mo ang minimithing ito. Kailangan na ang pagpapalahi ay planado mula sa simula at ang iyong minimithi (goal) ay malinaw sa iyo. Ang pagpapalahi ng superior na ibon ay walang katapusang pagpapaigi sa pagpili ng mahusay mong ibon (culling), sa pamamagitan ng kakayahan sa karera (race performance), di-pangkaraniwang kalusugan (superior health),  pagbabalik sa sariling angkan (Inbreeding or linebreeding at kung minsan ay ang pagpasok ng isang matindi ding ibon na may superior na lahi (out crossing to another superior linebred bird for hybrid vigor) upang mapahusay pa ang lahi na iyong naitayo at subok na,  at muling pagbabalik ng magiging supling nito sa iyong linyada ng hindi lumabnaw ang angkan na nabuo mo . Sa totoo lang, maraming loft na parang may bahay-ampunan ng mga breeders na walang pakinabang at subok ng palpak!!... Ngunit dahil mahal ang pagkabili at ayon sa papeles o pedigree ay bigatin ang strain…nasa loft pa rin ni boy sadsad...hehehe. Masakit kuya Eddie ang mag-cull ng mamahalin o champion na ibon, ngunit iyan lang ang susi kung nais mong magtagumpay. Iyan ang numero unong sagabal sa iyong pag-unlad.

 

A. IHANDA ANG BREEDERS LOFT.(Isang buwan bago mag-pares)

 

1)       Ilipat lahat ng ibon. Linising mabuti ang kabuuan ng breeders loft. Alisin ang mga agiw, sapot at mga dumi lalo na sa nestboxes. Mag-spray ng Lysol o bleach na may halong tubig sa kabuuan ng breeders loft. Mag-spray ng insecticide, ngunit siguruhing may ventilation upang hindi ikaw ang ma-cull…yeah! Linisin din ang lahat ng nestbowls at doblehin dami nito kumparasa dami ng ipapares upang may pamalit tuwing madumi na o tuwing ihihiwalay na mga inakay sa magulang.

 

2)       Lagyan ng numero ang bawat nestbox. Lagyan din ng “plastic ID” (tulad ng sa mga estudyante) na may papel na masusulatan ang bawat nestbox, upang maisulat dito ang: band numbers ng magulang, “round number” o “batch number, kailan nangitlog, kalian namisa, band numbers ng mga inakay, atbp. Malaking tulong ito sa pagsulat o “encode” sa iyong pedigree program at kung ililipat ang itlog sa “foster parents” o yaya (yung ID lang ililipat) upang hindi kayo mailto.

 

3)       Kung gagawa pa lang kayo ng nest box, lakihan na ninyo itohanggat maari. Ang sukat na mungkahi ko ay humigit-kumulang sa 30” lapad X 18” lalim X 18” ang taas. Malapad ito para pwede mong lagyan ng natatanggal  na hati sa gitna, ang lalim ay sapat na maaabot sila at ang taas para malagyan mo ng ikalawang palapag..na kung saan mo ilalagay ang nest bowls at kung dumating ikalawang batch ng itlog (bandang ika-16 na araw mula unang batch) ay maibababa mo na ang nest bowl kasama ng inakay…at panibagong nestbowl uli sa ikalawang palapag. Sa ganitong paraan, madaling matututong kumain ang inakay at hindi sasaktan o itutulak ng magulang dahil sa bagong itlog. Sa ganitong sukat, maari din silang manatili sa loob sa panahon ng pagpares at maging sigurado tayo na sila ang tunay na magulang at walang nag-taksil…na makasisira sa pagiging tunay (authenticity) ng ating itinatayong angkan at listahan ng linyada (pedigree).

 

4)       Ihanda na ang mga materyales na gagawing pugad (nesting materials) ng breeders. Depende sa klima ng bansa ito o panahon ng pagpares. Sa mga malalamig na lugar, mainam ang dayami o straw at sa katamtamang klima, mainam ang mga malilit na sanga ng tabako. Maari din ang basahan, ngunit lagi itong palitan dahil ang bacteria ay namumugad agad dito. Minsan maari din ang buhangin ngunit malamang ang posibilidad ng pagka-sakang ng inakay dahil sa walang makapitan ang paa o kuko ng inakay. Pwede din ang nilamukos na dyaryo (newspaper) dahil mura ito at pwedeng magpalit lagi.  Kapag nagpares na sila at ilalagay na ang nest bowls, lagyan ito ng kaunting “nesting materials” at ang iba ay sa lapag, sa isang lalagyan at sapat ang dami na makabuo ng pugad ang lahat ng nakapares. Hayaan silang dumampot at bumuo ng pugad dahil isa ito sa mainam na pag-uugali (behavioral qualities) na nais nating makita sa ating mga breeders.

 

5)       Siguraduhing may ilaw sa loob ng loft humigit kumulang sa 14 na oras na siyang kakailanganin ng inakay upang maging malusog. Mas magaling kung ang ilaw ay may “automatic timer” upang mamatay ito sa takdang oras at makapagpahinga ang mga ibon.

 

6)       Ihanda ang panulat at notebook o “breeding templates” (mga inihandang papel na may nakasulat ng detalye).

 

 

B. PAGPILI NG MGA IPAPARES NA IBON. (Mga Katangian na Dapat Hanapin)

 

1)       Ano ang nagawa o ipinakita sa karera ng ibon na ito kung siya ay bago o galing sa iyong team. Ito lamang ang pamamaraan na magagamit natin para masukat (evaluate) kung dapat gamitin sa pagpapalahi ang isang ibon. Ito ang katangian na hindi makikita ng mata sa panglabas na kaanyuan ng ibon. Dito naman makikita ang tibay ng dibdib ng isang fancier kung kailangan ng i-cull ang isang ibon o gusto niyang sumubok na gumulong uli sa karera…at maging isang batikang donor sa premyo….nyaaak! Kilatisin din ang ginawa ng ibon hindi lamang sa madaling mga karera (good weather), mahirap na karera (bad weather and smash races), bilis nitong umuwi, bilis mag-kondisyon ng sarili at minimithi mong distansiya ng angkan na iyong binubuo…pang manglayuan (long distance) o pang katamtaman lamang (middle distance). Itanim natin sa ating isipan ang tunay nating mithi (goal) ng hindi tayo maligaw.

 

2)       Ano ang nagawa na nito bilang isang dating breeder.(Progeny Performance)

 

Tignan kung nakapasa ito sa sukatan (standard) na minimithi mo sa iyong loft. Maaaring hindi champion agad ang iyong sukatan ng mga anak kundi diploma winners at maari ding ang panimula mong sukatan ay maging unang tatlo (top three) sa iyong loft. Sa mga madalas namang manalo, maaring ang sukatan mo ay pangkalahatang pwesto (Overall placer). Nasa isang fancier ito at ang paalala ko lang ay dapat umangat ito papunta sa ating pinakamataas na mithi. Hindi natin itatabi ang isang ibon o gagawin itong breeder dahil sa mala-adonis ang hitsura, napakaganda ng kulay, matindi ang strain sa pedigree,  siya ay anak ng champion o pinakamahal na nabili mo. Maliban na lang kung namali sinalihan mo at sa pigeon show ka pala..yeahh.  Kung hindi pumasa at malayo sa sukatan…kalusin itooooo…Kung may pag-asa pa o potential,l ibalik sa karera at hayaang mag-cull ng crate o makita mo halaga niya . Paalala lang po. Kung hindi pasado sa iyo..huwag pong ibenta sa iba…lalo huwag gawing gift bird!! Tanggalin ang sing-sing at ibenta sa Arranque…kaya bata pa ako suki ko na si “bigote” sa Arranque market eh…hehehe. Oops..huwag nga palang i-cull agad breeder kung hindi pa nasubukang ipares sa iba…madalas ay hindi lang bumagay (complimentary) ito sa una at may angkop na kapares (“niche pair”) palang hinahanap na magiging mina sa iyo.

 

Halimbawa lang sa karanasan ko. Sa aking unang apat (4) na pares na breeders na pawang mga champion at Over-all placers ng RPAP at mga nagmula sa angkan ng mandirigma sa karera, isang pares lang sa una (Emiel Deweerdt x A. Melucci) ang pumasa sa akin noon, sa unang karera ko…inanak nila unang “superior bird” ko si “Garuda” (RPAP 86-1815) RPAP 9th Overall YB sa unang season at Average pool winner. Hiniram agad ng kaibigan kong si Rey Copagkapanalo ni Garuda. Matapos isang taonna nakabreed sa kanya, maayos pa din ang hitsura ng ibalik. Training ko uli agad at ibinalik uli sa race, nag 1st Overall at maraming lap diplomas. Doon ko lang siya ginawang breeder dahil pumasa na siya sa aking satandard at ipinares ko agad sa kanyang ama (inbreeding). Mula noong 1986 hangang ngayong 2013 yung linebreeding/inbreeding ko sa kanya, nagpapanalo pa din sa ibat-ibang loft sa malayuan. Siyempre po madami ding gumugulong na resulta..na dapat kalusin..hehe.

 

Balikan po natin yung iba kong tatlong (3) pares. Sumadsad po inilabas lahat ng anak…yung dalawang  Joseph Van den Broucke (VDB) na Calbayog 1st and 2nd at Overall placers pa…gumulong mga anak! Next season ipinares ko sa iba yung cock na VDB sa Andre Dereere ko na hen na palpak sa dating pares. Hurrayyy!!..nagkaroon ako ng karagdagang superior birds. Saunang apat na anak ay 3 hen at isang cock. Yung 3 hens, pinangalanan kong “Tres Hermanas” dahil puro nag Overall placers at may nag-Ace bird at marami pang diplomas North and South. Ano nangyari sa natirang dalawang pares??? Napunta po kay bigote sa Arranque…cull sila!! Ng lumaon pati nanay ni Garuda…cull din, kasi tatay pala niya nagdadala ng katangian at yung nanay nagdadala ng katangahan !!Kaya mahalaga na bago i-cull breeders, subukan muna sa ibang kapares.

 

3)Tignan Kung Mayroong Mahusay na, magka-relasyon pa. (Close Relatives or linebred)

Kung may mahusay na kayong ibon o nabiling ibon, na may kasamang malapit na Hikamag-anak tulad ng: mag-ama/ina, mag-tiyuhin/tiyahin, mag-lolo/lola o magkapatid…ito ay parang bonus sa pagpapalahi mo dahil maipagpapatuloy mo agad ang linyada (Linebreeding) nila. Kaya iyan din ang isang magandang pamamaraan ng pagbili ng mga ibon. “Breeding-Up” o paghuhusayin mo na lamang ang lahi nila.

4.  Tignan ang Pangangatawan ng Ibon.(Physical Qualities)

 

Kung mapapansin ninyo, hinuli ko ang katangiang ito dahil panghuli ito sa tingin ko sa importansiya upang manalo. Ngunit dahil sa nais nating mag-breed up isama natin ito. Kapag may dalawa o higit pang ibon na halos patas ang galing sa karera, ang ibinabalik ko sa magulang o sa lolo upang ipagpatuloy ang linyada ay yung maganda ang pangangatawan ayon sa aking sukatan. Ang bawat fancier ay may kakaibang itinatangi sa pagtingin ng ibon, ngunit may mga pangkaraniwang katangian na makikita sa mga kampeon na ibon na nagustuhan ko. Linawin ko lang, marami akong napakagagaling na ibon na pangit pangangatawan…matutulis dibdib, matatangkad at hindi proporsiyon katawan…ok. Ngunit marami ding ganito.

 

a)       Taas at haba ng katawan ay balance. Halos parehas ang taas mula ulo hanggang buto ng diddib (keel) kumpara sa harap ng dibdib at buntot.

b)       Mataas na kwalidad ng balahibo at pakpak. Makapal balahibo Sa dibdib (keel) at tenga. Dahil delikado sila sa moisture at ulan kung manipis ito lalo sa karera. Kung ang pangarera ninyo ay lugon sa tenga, itigil at ipahinga na ang ibon. Ang mga pakpak ay mapulbos dahil sa kondisyon ito at hindi dahil sa hindi naliligo..yeahhh!.

Ang mga pakpak ay mahahaba at pakitid sa dulo at halos umabot o abot na sa maitim na guhit (bar) ng buntot. Ayaw ko ng ibon na nagko-cross ang mga pakpak sa ibabaw o ilalim ng buntot (kulang sa dibdib) o nananatili sa ilalim ng buntot…baka nagka-salmonelya.

c)       Ang mga mata ay napaka-klaro tignan, kahit anong kulay ito. Bagamat alam ko yung “eyesign theory” na sinasabi, hindi ko ginagamit iyon sa pagpapalahi. Gusto ko yung kulay ng mga mata ay matitingkad dahil tanda ito ng kalusugan.

d)       Gusto ko yung buto sa dibdib (keel) ay makapal at ang laman kapag pinisil ng kaunti ay parang bola na bumabalik. Makapal ang balikat kapag sinipat sa harapan at ang hibla (fiber) ng muscle sa magkabilang gilid ng keel (major pectorals) ay tuloy-tuloy at hindi gaanong matambok sa bandang kilikili ang mga muscles. Yung mga  “sprinter” ko noon ay malalaki muscles sa kilikili.

e)       Yung “rump”  ay hindi paatambok at halos derecho papunta sa buntot. Kapag hinawakan ang ibon ayaw ko noong humahataw ng kaliwat- kanan ang buntot (nerbiyoso) kasi nerboiyoso na ako eh..hehe. Mas mainam kung makapal ang balahibo sa ibabaw at ilalim ng buntot para proteksiyon sa mahabaang liparan lalo kung maulan.

f)        Mainam sa akin ang ibon na ang palasipitan (vent) ay hindi lapit sa dulo ng keel o breastbone, upang sa mahabaang liparan may mainam na lugar sa paglaki ng lamang-loob nila.

g)       Kung lalake ang ibon, gusto ko yung malapad at matibay ang likuran. Kung babae naman kahit katamtaman lang ngunit parehong pahaba at hindi maiksi katawan nila.

h)       Ang paa at leeg ay may magandang sukat o proporsiyon, hindi sobrang tangkad o sobrang haba ng leeg. Hindi mainam na lumalagpas ang daliri ng paa sa buntot pag liparan na. Ang mga kaliskis sa paa ay matingkad ang kulay at hindi maputla.

i)         Ang bunganga ng ibon na gusto ko ay yung maluwang at kulay rosas ang kulay at hindi puti kulay ng dulo ng dila (wala sa kondisyon).

 

Marami pang mga bagay na dapat tignan sa pangangatawan ng mga ibon ngunit ang layunin lang natin dito ay mapalapit sa tamang sukatan o standard. Unahin natin ang kakayahan sa karera bago ang pangangatawan. Ngunit sa parehas na matinding ibon, ang pipiliin natin ay yung maganda ang pangangatawan.

 

5)       Tignan ang Pag-uugali ng Ibon. (Behavioral Qualities)

Iwasan ang mga breeder nabasagulero, nanggugulpi ng inakay, iniiwan ang nililimlimang itlog at hindi nagsusubo ng tama. Iwasan din ang ibon na nagbabasag ng itlog.

 

Magaling ang ibon na maamo, mahinahon o kalmado pag lumalapit kayo at ipinagtatanggol ang kanyang pugad sa mga nais manggulo. Kung tumingin ay parang Agila ngunit panatag lang. Mapagmahal sa mga inakay at kapares.  Lumilimlim ng maayos sa kanyang oras.Ang isang breeder na itinutulak pa ng kapares para palitan sa paglilimlim ay ginintuang ibon.

 

Kung may mga ibon kayo na mahusay pag-uugali ngunit hindi pasado sa performance, mahalaga itong gawing yaya o foster parent sa iba ninyong inakay upang makapagpahinga din ang mahusay ninyong palahian.

 

C. PAGPAPARES AT PAGTUTURO NG PUGAD.

Kung may bagong pagpaparisin maaaring unahin sila sa pugad na kalalagyan nila kaysa doon sa dati ng magkakapares na palahian o breeders. Isara muna mga pinto ng pugaran ng mga datihan sa mga dati nilang pwesto. Ikulong sa napili mong pugaran ang mga bagong pagpaparisin ngnit lagyan muna ng harang na magpapangita lang sila upang hindi saktan ng cock yung hen. Makalipas ang panahon na sila ay nagpapakita na ng interes sa isat-isa maaari mo ng alisin ang harang ngunit sila ay nakakulong pa din sa pugaran.

 

Kung maayos na ang pagpapares nila pwede mo na silang palabasin sa pugad upang matutunan na nila ang tamang pwesto nito. Isa-isang pares lang ang pagtuturo sa mga breeders. Kapag marunong ng lahat ang mga baguhang magkakapares sa kanilang nakaatas na pugad, pwede ng dala-dalawang pares ang palabasin sa kani-kanilang pugad ngunit laging magkalayo ng pwesto at hindi yung magkatabing pugaran upang malayo sa pag-aaway o pagkakamali. Gawin ito hanggang lahat ay maayos ng pumapasok sa kani-kanilang pugad. Sa ganitong punto, maaari ng isama ang mga datihang breeders. Isa-isang pares din silang palabasin upang maalala nila dati nilang pugad at masanay sa mga baguhan. Mainam na may flypen ang mga breeders upang ma-kondisyon din sila.

 

D. PAGBIBIGAY NG GAMOT SA MGA PALAHIAN. (Preventive Medication)

 

Isa ito sa pinaka-kontrobersiyal o pinagtatalunan na bagay sa pag-aalaga ng       mga kalapate at hindi ko masisisi ang ibang fanciers bagkos ay iginagalang ko opinion nila. Ang katawan ng ibon o sa tiyan ay may maraming nabubuhay na “good bacteria, protozoa at fungi” (@ 80%) at “bad bacteria, protozoa at fungi”(@ 20%) na namumuhay ng tahimik kung balanse sila sa loob at walang mga sakit o dahilan ng labis na pagkapagod sa ibon. Ang sabi ng mga eksperto ay masisira ang balanse nito kung magbibigay ng mga gamot o antibiotic sa ibon kung wala naman silang sakit.

 

Ang pinakamainam na maimumungkahi ko ay magpatingin muna ng dumi o “fecal sample”ng kalapate (hiwalay sa bawat kwarto ng loft) sa mga beterinaryo at ng masipat nila kung may mga bulate o sakit ang ibon bago sila bigyan ng gamot.

 

Simple lang naman mga kaibigan...ngunit sa libo-libong fanciers sa atin ilan kaya gumagawa nito o may kakayahang gawin ito? Kayo lang ang makakasagot sa sarili ninyo. Basta ako...matagal ko ng binibigyan mga racers at breeders ko at masasabi kong mas naging mainam at madali sa akin ang magbigay ng “preventive medication”. Para sa akin kung may nasisirang “good bacteria atbp.” ito ay agarang nalulutas sa pagbibigay din ng “probiotic” (karagdagang “good bacteria.atbp.”} at “prebiotic” (pampalakas ng “good bacteria.atbp.} pagkatapos ng pag-gagamot sa kanila. Tuwing martes at huwebes mainam magbigay nito. Sa resulta ng aking pag-aaral ng mga ibon karamihan sa kanila ay may dala ng sakit..at naghihintay lamang ng pagkakaton na lumabas kapag sila ay napapagod tulad ng sa karera o pagpapalahi. Karamihang sakit na dala nila ang dahilan kaya maraming nabubulok na itlog, namamatay na inakay sa loob ng itlog o pagkapisa nila, pagtatae ng inakay, pamamayat ng breeders, pagkakasakit atpagkabansot ng inakay at minsan kamatayan nila. Pati sa “race team” ko ay ginagawa ko din ito bago ang karera.

 

Narito ang mga mungkahi kong gamot para sa mga palahian at maging sa mga pangarera. Ginagawa ko ito isang buwan bago sila ipares ngunit maaari ding sabay sa kanilang pagpares. Ito ay ibinibigay ko ng kalahate ng sukat (dosage) na nakasulat para sa paggagamot kung may sakit (curative dosage) na talaga ibon.Minsan may gamut na tugma sa “curative dosage” ngunit hindi sa tagal ng pagbibigay nito, halimbawa ang 7 araw na pagbibigay sa maysakit ay ginagawang 3 araw lang kung “preventive cure”.

 

Pumili lamang ng isa na madaling mabili sa lugar ninyo. Ang “half-dose” sa karamihang pulbos na gamot ay isang kutsarita (teaspoon) sa bawat 1 gallon ng tubig. Bigyang importansiya ang nakasulat na “dosage” sa lalagyan ng gamot.

 

1)       Gamot sa “Canker”. (Matinding pumapatay na sakit)-

·         “Kancure”- (Tri-M Hobb Options”

·         “Emtryl powder”- mainam kung pangmaramihan ang gagamutin.  “1/4” teaspoon sa isang gallon na tubig sa loob ng 3 araw.

·         “Ridzol Powder” –“3/4” teaspoon sa isang gallon ng tubig.

·         “Ronidazole tablets”- kung paisa-isang ibon lang ang bibigyan.

·         “Trichocure” at “Tricho Plus”( Oropharma)- may Ronidazole ito.

 

2)       Gamot sa Respiratory,Paratyphoid(Salmonellosis) at “E-Coli” (bacteria sa tiyan)- kadalasan ang dumi ng may sakit ay maputik, malusak at malansa. Dahilan ng mga namamatay na inakay sa pugad.

 

·         Aureomycin Reg.”- “1 kutsarita sa 1 gallon ng tubig sa loob ng isang linggo..kung “Aureomycin concentrate” 1/2 “ kutsarita lang sa isang gallon. Mahusay sa E-Coli, respiratory at paratyphoid.

·         “Virkon S”-Mahusay sa problema sa respiratory.

·         Curegold”- (Tri-m Hobb Options)- nakakagamot din ng Ornithosis.

·         “Salmo Aid”- Mabisa sa Salmonellosis o Paratyphoid.

·         “Terramycin”- magaling sa sipon at problema sa respiratory.

·         “Tylan”. Mabisa sa sipon at ibang problema sa respiratory.

·         “Amoxicillin”-(1,500 mg. per gallon of water.) Magaling sa E-Coli.

 

3)       Gamot sa“Ornithosis”-Isang sakit nakakahawa maging sa tao at sa ibang “mammals”.  Matubig at maberde ang dumi.

 

·         “Doxycycline”- (750 mg  bawat 1 gallon na tubig)

·         Ornicure”- (Oropharma)- may sangkap na “doxycycline”

·         “Chlortetracycline +”

·         Curegold”(Tri M Hobb Options)

 

4)       Gamot sa “Coccidiosis”- Inpeksiyon ng bituka.Basa ang dumi at kulay berde.

 

·         Cocci Plus”- (Oropharma). Naglalaman ng “Sulfamethoxine, magaling sa Coccidiosis at mga bacterial infections sa tiyan, atbp.

·         Amprol” o “Amprolium”- Mabisa sa Coccidiosis. Isang kutsarita sa 1 gallon ng tubig sa loob ng isang lingo.

 

5)       Gamot sa Bulate at mga Kuto ng Ibon. (Para sa roundworm, hairworm, tapeworm, threadworm, cropworm, atbp.)

 

·         In and Out”- (Tri-M Hobb Options)- mabisa sa mga bulate (Internal) at mga kuto ng ibon atbp.

·         Multimix Powder” (Foy’s)- “3 in 1”  ito na mahusay sa Bulate, Canker at Coccidiosis.

·         Moxidectin” pang bulate.

·         “Avicas” tablets (Oropharma)- Magaling sa Roundworm at hairworm. Walang “side effects” ayon sa may-gawa.

·         “Tramisol”

PAUNAWA: Magbigay ng multivitamins 3 beses isang linggo habang   nagbibigay ng mga gamot sa mga ibon. Ang “probiotics” ay mainam ibigay isang araw matapos ang “antibiotics”. Maaring isabay ang multivitamins sa inumin kahit may gamot ito.

Inaasahan ko ng lubos na ang mga breeders ay nabakunahan (Vaccinated) na ng PMV-1 para sa Paramyxovirus dahil laganap ito sa ating bansa.

 

                       E. MGA PAMAMARAAN NG PAGPAPALAHI NG IBON.. (Breeding Systems)

                        1)Inbreeding

    Isang pamamaraan ng breeding na ang pinakamalapit na miyembro ng pamilya

ang pinagpapares, tulad ng mag-ama, mag-ina at magkapatid na buo. Ito ay

gagamitin lang natin kung mayroon na tayong nakitang “superior bird”sa ating

mga alaga na bukod-tangi ang kakayahan sa karera o breeding na gagawin

nating poste o pundasyon ng ating magiging linyada. Tandaan nating     

mabuti na ang anak na ipapares sa kanyang ama o ina bilang panimula ng  

inbreedingo linebreeding ay dapat nagdaan muna sa pagsubok sa karera at    

magaling ang resulta. Hindi “bred for stock”yung anak dahil hindi natin nakita

kung namana niya ang kahusayan o katangian ng superior bird natin o baka ang

kapintasan nito. Dahil sa inbreeding, makikita ang pinakamabilis na pagsasaling     

lahi ng kagalingan o kapintasan ng isang ibon. Ang mithi natin ay makita at

alisin agad ang may masamang resulta ng inbreeding at makita din at gamitin

ang nagmana sa superior bird natin. Mapapag-aralan sa “genetics” na may mga

nakatagong kapintasan at katangian ang mga ibon na kung saan ay lumalabas

o hindi sa mga anak at sa masusing pagkilatis sa kanila ang tanging paraan

upang magamit natin ang napiling ibon sa pagpapatuloy ng inbreeding.

 

Madalas na sa simula natin ay “Outcross” at “Best to Best” ang pwede lang nating gawin dahil wala pang kapamilya ang superior bird na gusto nating i-inbreed. Sa ganitong pagkakataon siguraduhin nating ang ipapares ay yung pinakamagaling na ibon sa ating loft. Damihan natin ang rounds ng palahi upang marami tayong masusubukan sa karera at ang pinakamuhasay ang siya nating i-inbreed sa gagawin nating poste o pundasyon ng linyada natin. Maraming pagkakataon na kakailanganin nating ipares ang ating superior birdsa hindi iisang ibon upang madaling makita kung kangino siya click ipares.

 

Sa inbreeding, huwag umasa na ang mahinang linyadang ibon ay mapapahusay

mo sa ganitong paraan. Kaya ang pinakamuhsay mong ibon sa iyong team o

sa mga nabili mo, ang siya lamang gagamitin. Bago magpatuloy sa susunod na

henerasyon (generation) ng pag-inbreed, magdadaan muli sa pagsubok ng

kareraangating ibabalik sa ating superior bird. Matapos ang 3 o 4 na gene-

ration sa ating inbreeding, maglalabas na ng kakaibang mga kulay ang kalala-

basanan ng mga anak at marami pang kakaibang anyo, bagamat may matitindi

pa din na lalabas. Ang mungkahi ng mga eksperto ay itigil na sa pagkakatong

ito at gamitin ang mas hindi gaanong magkadikit na kapamilya.

 

          Isa sa pinakamagaling na resulta sa akin ng ibreeding ay kapag pinagpapares ko

ang mag-ama. Ng ipares ko si “Garuda” sa kanyang ama na si “ Super Dad

          (RPAP-83-1283) nagpatuloy ang magagandang resulta sa aking loft. Tulad ng

nasabi ko, pinipili muna ang pinakamagaling na anak bago ibalik sa magulang.

          Marami ang magsasabi sa inyo na bawal at pangit ang inbreeding, kapag

may nagsasabi sa akin noon nangingiti ako,  at sa aking isipan nasasabi ko,

marami pang kakaining alikabok ito sa akin...hehehe. Hindi ako kumokontra

sa kanila, kasi atin lang ito....sekreto ko yun eh..yeah! Pero may tamang

pamamaraan at nasabi ko na sa inyo. Yung champion ko ng 1,400 kms. Si

     Federation” na regalo niPercy Brown ng Australia ay anak ng magkapatid na

buo (nestmates) at nalaman ko na siya ay matindi din sa inbreeding/line-

breeding. Ang Ace bird ko na si “Die Hard” (PSP-91-01315) na nag-Overall sa

         North at South ay anak ng nestmates at naging anak niya si “Surigao” (RPAP-

        93-931588) na Overall YB Champion din, Solo Auction Tacloban at clocked ng

Surigao.  Ayaw pa ninyong maniwala sa inbreeding? Baka tawagin kayong “suki”

sa club sige.

 

2)       Linebreeding

Ito ay isang porma ng inbreeding kaya maraming nalilito. Madalas ito ay nagsisimula din sa inbreeding kapag ang superior bird sa loft ay nabili at walang kasamang kapamilya. Ang unang kapares ay maaring hindi kapamilya o “Outcross breeding”. Sa unang anak magsisimula na ang linebreeding na siya ding inbreeding dahil sa mag-ama o mag-ina muna sila. Sa susunod ay ang apo na ang ipapares sa superior bird at magpapatuloy na ang linyada na kung minsan ang anak na babae ng mag-lola ay ipapares uli doon sa lolo na siyang superior bird. Kung breed natin at galing sa ating loft ang ating superior bird, linebreeding kaagad ang mangyayari at walang outcross o close inbreeding dahil ang mga lolo at lola ay nasa atin. Sa linebreeding ang concentration natin ay makabuo ng linyada ng isang superior bird sa napakaraming generation hindi tulad ng close inbreeding. Sa tingin ko ito ay isang napakabisang sistema dahil tuloy-tuloy ito at pwedeng hindi ka na sa lolo sa tuhod (great-grandfather) magbabalik ng pagpapares kundi sa lolo (grandfather) na. Ang aking ibon na si “Double Frisco” -PHA-96-61504(PHA South YB Superset winner 1997, 2nd PHA San Francisco, Leyte 1998,Champion, PHA San Francisco 1999 at 3rd Old Bird-T South RPAP 1999) ay “5th generation” na ni “Garuda” at “6th generation” ni “Super Dad”. Iyan ang halimbawa ko ng linebreeding ng superior bird ko na si “Super Dad” at pwede ding si “Garuda”. Bale 20 years na linebreeding hanggang noong umalis ako papunta ng Canada noong 2005. Nabalitaan ko na may mga fanciers pa ding nagpatuloy ng linebreedingnito...at marami ang nangagsipanalo pa din sa Tacloban nitong 2013.

 

Sa linebreeding/inbreeding marami ka ding lalabas na bulok o tukod, na dapat mong kalusin dahil dala pa din ng linyada ang “genes” ng kapintasan na siya nating unti-unting kinakalos. Maging ma-pasensiya dahil patuloy ang iyong pag-angat sa breeding at mapalapit o marating ang iyong minimithi. Pakatandaan ninyo na ang fancier na hindi marunong ng “selective inbreeding/linebreeding” ay walang mabubuong linyada na maaasahan at laging bibili ng ibon ng marunong nito. Sa aking loft, mas mahal ang inbred/linebred na ibon.

 

Sa simula ng Inbreeding o Linebreeding at cock o lalake ang aking superior bird na napiling magdadala ng linyada, ang sistema kong gamit ay ang tinnatawag kong “ Bull System” (maraming magkakasabay na kapares). May inilaan akong kwarto sa loft (4’ x 6’) na may 3 nestboxes at doon ko ipinapares ang aking superior cock sa tatlong inahen na pinakamahusay ko. Laging nakakawala ang cock at isang inahen at nakakulong sa nestboxes ang dalawa pang inahen. Lahat sila ay may nestbowls sa pugaran. Salinsinan kong pinakakawalan ang mga babae upang makastahan ng cock, sa umaga, tanghali at gabi. Kasabay nito ay may 3 pares akong yaya o “foster pairs” na magaabang na paglilipatan ko ng magiging mga itlog ng superior cock sa mga asawa niya. Minsan ang superior cock ay pinag-aalaga ko ng isang pares niyang anak sa ikalawang round. Imbes na 3 taon akong maghihintay para makapres niya ang 3 inahen, presto..isang taon lang! Kaya mainam na may mas marami kang mahuhusay na inahen na pamares kahit kaunti lang ang cocks.

 

3)       Outcrossing

Isang pamamaraan ng pagpapalahi na madalas ginagamit ng isang fancier upang magpasok ng panibagong linyada o “strain” (lahi ng ibon galing sa ibang fancier) para mapagbuti niya ang kanyang pangkasalukuyang linyada.

 

Sa ganitong paraaan ay  magkakaroon ng tinatawag na “Hybrid vigor” ang magiging resulta na maaaring maging higit sa kakayanan ng ginamit na outcross pairs, kung mamamana nito ang mga katangian ng magkabilang ibon. Upang maging kapaki-pakinabang ang sistemang ito, dapat ibalik sa linebreeding ang magiging mga anak na nagpakita ng mas mainam sa karera kaysa sa dating linyada ng fancier. Walang silbing ibalik sa linyada kung hindi naman nagkaroon ng mas mainam na resulta sa karera.

 

Sa aking loft, nasubukan kong mag-outcross sa simula dahil iyon lang mga ibon ko at wala silang mga relasyon sa isat-isa. Nang makakita ako ng mahusay na inanak, doon ko sinimulan ang inbreeding/linebreeding.

 

Isa pang breeding na ginagamit ay yung tinatawag na “Best to Best breeding”. Iyan ay madalas na Outcrossing kung marami kang linyada sa loft mo at pinipili mo lang ipagpares ang dalawang pinakamahusay ang resulta sa karera. Nagkaroon ako dito ng mahuhusay na resulta ngunit laging dead-end ang resulta at madalas bumababa ang “best” at nagiging “good” na lang at “tukod”. Madalas ang gumagamit nito ay parang bulalakaw sa langit..biglang sikat pagkatapos ay biglang nawawala ng matagal. Laging bumibili ng mga bagong sikat na ibon at mapupunta sa kanyang “Loft Ampunan”. May mga ibon siyang may “potential” ngunit kulang sa mahusay na breeding system. May pag-asa ka pa Tsong..hehehe.

 

Sa aking loft ang “Best to Best” ay may magandang gamit. Ito ang sistema ko sa pagpares ng dalawang linebred ko sa loft na may iisang pinanggalingang superior cock ko na may 3 branches (3 naging kapares na inahen) na may sari-sarling linebreeding. Ang pinakamagagaling sa kanila ang siyang aking pinagpapares at patuloy muli ang “selective linebreeding”.

 

                            F. MAINAM NA PAGKAIN SA BREEDING AT MGA SUPPLEMENTS.

Matapos nating paghandaan ang pagpapares n gating mga breeders, marapat lamang na alamin natin ang tamang pagkain at mga supplements na magbibigay ng kalusugan sa kanila at ng magiging inakay. Isang buwan bago ipares ang breeders, ang pagkain nila ay dapat “breeders mix” na upang maging handa ang katawan nila.

 

Marami na ang mahuhusay na “breeding mix” na mabibili ngayon sa atin tulad ng “Natural Products”, “Versele-Laga” atbp.  Ang “racing mix” ay hindi dapat gamitin dahil mababa ito sa protina. Ang breeding mix ay dapat may taas na protina  na hindi bababa ng 18%. Bagamat ang mga peas ay matataas ang laman na protina, sila ay matagal matuanaw at ang sustansiya ay matagal ang proseso kaya kaunti lang dapat ito at ipalit ang mga maliliit na butil o seeds na matataas din ang laman na protina.Kakailanganin din nila ng pagkain na mataas sa Omega 3 at 6. Maging ang “Probiotic” ay malaki ang maitutulong sa kanila kung mabibigyan kahit dalawang beses isang lingo.

 

Ilang mahusay na pagkain at supplements para sa breeders at inakay.

 

1.       High-Protein pellets (18-28%) tulad ng sa Thunderbird. Hiwalay sa breeders mix ang pakainan nito.

2.       Ideal Pills – 1 tablet sa inakay mula 7 araw niya hanggang 1 linggo matapos ihiwalay sa magulang. Isawsaw sa tubig ang tablet bago isubo.

3.       Pink Vitaminerals, Magnesium blocks, crushed Oyster Shells, Grit mix, Red stone, etc.—Ibigay sa hiwalay na cups at mainam kung sama-sama sa isang kahoy na lalagyan na may takip sa ibabaw para hindi madumihan.

4.       Basain ng bahagya ng Hemp Seed Oil o Flax Seed Oil (Linseed Oil) ang breeders feed mix nila at lagyan ng kaunting brewers yeast powder dalawang beses isang lingo. Mas mahusay ang Hemp Seed Oil dahil mababa ang Prussic acid nito at mas ligtas gamitin ng pangmatagalan  kaysa sa Flax Seed Oil. Mas mainam ang balance ng Omega 3 at Omega 6 sa Hemp at Flax kaysa sa mga Fish Oil

 

5.       Gumamit ng Multivitamins at Glucose tulad ng:

 (Gumamit kahit anong brand na madaling mabili sa lugar ninyo na sadyang pangkalapate)

·          Vitaminized Glucose (Colombine)

·         Nutri2big , Calcimax at Tri M Chelated Minerals (Tri M Hobb Options)

·         Supervit (Colombine)

6.       Halimbawa ng Breeder’s Feed Mixture na pwedeng gamitin. (10 kilos)

Maaari ninyong baguhin ayon sa grains o seeds na madaling bilhin at nakalaang budget.

 

Canadian Peas-----------------1/2  kilo

Maple or Australian peas----1/2

Green Peas---------------------1/2

Dun Peas------------------------1/2

Trigo (Wheat)------------------1 1/2

Corn------------------------------1

Oat Groats ----------------------1

Safflower seed------------------1/2

Sunflower seed-----------------1/4

Rape seed------------------------1/4

Vetch------------------------------1/2

Linseed (Flax)--------------------1/4

Sorghum--------------------------1 1/2

Paddy o Brown Rice------------1/2

Hemp Seed-----------------------1/4

Millet------------------------------1/4

Canary seed----------------------1/4

                                   Total --   10 kilos

Ang mga butil o grains natin ay dapat malinis at pananatiliing nakalagay sa may takip na lalagyan na hindi papasukin ng mga insekto at daga.

 

Lagi nating tignan ang kondisyon ng ating mga breeders at mga inakay at itigil ang breeding sa anumang pagkakataon na hindi na sila masigla, nangangayat o  masama ang mga dumi. Huwag manghinayang na mag-cull ng inakay na may kapansanan o sakit.

 

Panatiliin nating malinaw ang minimithi (goal) natin sa breeding na makapagtayo ng linyada na superior sa kalusugan, katalinuhan, tibay sa liparan at mga katangiang magbigay sa atin ng kasiyahan at karangalan.

 

Sa mga kalapatid na nagsisimula pa lamang sa sport na ito at sa ibang fancier na nais pagbutihin pa ang kanilang pag-aalaga....handog ko po sa inyo, itong kaunting kaalaman ko sa larangan ng pagkakalapate.

 

Approved for publication and distribution: Tommy de Vera (Sept. 15, 2013)