EGAY YAP

 

SUMMARY QUESTION AND ANSWER

By: Arbert Quejado

PINOY FLYERS AND BREEDERS - FILAM

Egay Yap Arbert Quejado sa loft kahit hindi malaki basta ang importante maayos ang ventilation ng loft, hindi over crowded, kung mamimili sila ng menotr kahit naman sino pwede pero dapat pag isipan din nila mabuti ang tinuturo ng menotr. mas maganda lahat ng sasabihin ng mentor ay pag iisipan mabuti kung nakaka buti ba or hindi. kahit ako yung mentor daming tinuro sakin pero lahat pinag isipan ko, yung sa tingin ko na hindi uubra hindi ko na ginagawa. importante yung totoong tao ang magiging mentor nyo hindi bebentahan lang kayo..regarding pigeon quality para saakin ang Homing pigeon ay magagaling na.. nasa atin nalang kung pano natin sila iccross ika nga swertihan din. sa mga newbie mas maganda na kumuha kayo ng ibon na alam nyo ang bloodline. para saakin malaking bagay na alam natin ang bloodline ng ibon upang makagawa tayo ng sarili nating pamilya ng ibon.

 

Egay Yap Anthony Valeriano Serrato 3 club ang pina memberan ko. PHA , PFC , RPAP pero sa pfc ako unang naka lipad ng OB then sa yb naman sa PHA at PFC na. yes nung bago ako bukod sa loftmans may loft manager ako dahil nung nag sisimula ako hindi pako obsses sa ibon at may office ako kaya bibihira ako sa loft. unang ibon ko galing kay jimmy tee at johnny ngo awa ng diyos wala na mga ibon nila sakin heheheh

 

Egay Yap Rhad Orfila ang pag mamalathion dapat timing. kapag race na weekly6 ako nag fforce bath ng malathion. kapag mainit ng tuesday makapal ang timpla pero pag ka makulimlim manipis lang. ang naiutulong ng malathion sa ibon kumakapal ang pulbos ng pakpak nila at hindi nasusunog ang pakpak nila hanggang matapos ang race. tsaka sa mga may white sa pakpak hindi gano nag titistis.

 

Egay Yap Dennis Dennis Mancera Dagdag 14 days old palang ang yb binababa k na sa pugad nila at sa sahig ko nalang sila nilalagay. 1 breeding room ko 18 pairs so pag binaba ko mga yb ko ng 14day old hahabulin nila mga magulang doon para subuan sila. kadalasan 21days nasa flying loft na sila.

 

pag bagong pisa ang itlog doon ako namimili. pag dko type ang pag ka sisiw automatic tinatapon ko. dapat healthy sila at hindi mukhang basang sisiw hehehee

 

Egay Yap Dennis Dennis Mancera Dagdag hindi talaga naiiwasan ang mag fly away. pero mas maganda 30days old palang nilalabas na sila para hindi pa sila umaangat at makalakad lakad sila sa landing board. kung may oras kayo bago nyo palabasin ang mga yb paamuhin nyo para kung dumapo man sa tapat nyo mabilis nyong tawagin

 

Egay Yap ariel yabut wag na wag kang mag bbgay ng malalakas na anit biotic during race. pwede mga mild lang yung hindi nanghihina ang ibon. dahil pag race na with in 5 days dapat kondisyon na sila. so pag mag bbay ka ng malakas na anti biotic hindi ka aabot sa 5 days na ma kondisyon sila. ako pag biglang nag ka sakit ang ibon automatic hindi ko na nilalaban. hindi ko na bnbgyan ng panahon na gamutin sila dahil sayang lang ang oras namin imbes na yung ibbgay naming oras na gamutin siya doon nalang namin ibbgay ang oras namin sa mga hindi nag kasakit at walang sakit

 

Egay Yap Rhad orfila madaming use ang bawang. pero para saakin magaling na pang cleansing ang bawang. makainum sila ng madumi habang pauwi galing race yan ang mag lilinis ng laman loob nila haahahaha

 

Egay Yap stuntman ako nung nag start hahahaahaha pero 1st season ko sa pha ng south swerte 2 ang clock ko sa tacloban. 2nd yb tacloban 5th overall 2005 series tsaka 4th tacloban Ob

 

Egay Yap ang main line ko is stichelbauts , janssen at bekaert

 

Egay Yap yan line din. ang breeders ko north and south ko nilalaro

 

Egay Yap midtoss ako. hindi nawawala ang midtoss sakin. ika nga ang midtoss ang tawag namin dyan conditioning. especially pag race na every thursday nag bbgay ako ng creatine at l carnitine kelangan sunugin sa katawan ng ibon yan kaya midtoss ang kelangan. pero pag masama ang panahon force fly nalang sa loft.

 

Egay Yap pero malaki ang maitutulong sainyo ng midtoss basta sasamahan nyo ng diskarte. katulad ako pag nag mmidtoss ako hindi umaga lang. lalo pag alam kong mainit ang panahon sa darating na race nag mmidtoss ako ng 10am para masanay sa init.

 

yung mga sinasagot ko sainyo guideline lang nasainyo na kung anong diskarte ang gagawin nyo. basta lagi nyo lang iisipin ang mga ginagawa ninyo.

 

Egay Yap anthony nasasainyo kung may oras kayo maganda ang midtoss. midtoss tumutulong sa pag condition ng ibon. para sakin exercise iyan ng katawan at ng homing nila

 

gay Yap Dindo Ulalan seperate. pero naka widowhood box ang loft ko pero hindi ko ginagamit dahil yb flyer ako hindi uubra ang widowhood. nag mmotivate ako pero mga last 2 laps nalang pero depende padin sa sitwasyon. pag tamad na sila lumipad thats the time na minimotivate ko na sila. pero usually last lap lang nangyayare sakinidol val pag ibon ko umuwi ng monday sinasabay ko padin sila sa wed midtoss pero kung hindi pa nakaka recover binubukod ko lang sila.

 

Egay Yap kung ano pinapakain mo sakanila. ako kasi may sarili akong mixture . kung ano kinakain ng flyers ko yun din ang kinakain ng breeders ko. mga iba kasi araw araw iba iba ang mixture for me mahirap yung ganun dahil mag lulugon bigla ang ibon once iba ang binigay mo. siguro importante talaga yung digestion nila. pag maganda ang digestion nila wala ng magiging problema. mga iba kasi may light feeds pang binibgay pag galing laban pero kung malakas ang digestion ng ibon kahit yung ordinary mix na gamit mo na may peas pwede naman

 

Egay Yap yung flyer mix ng nutrena oky din. ako kasi high prtein ang mixture ko nasa 17% ang protein ko. sanay ako sa ganun dahil malakas ang mag training. pero kung bihira mag training mahihirapan sa high protein mixture dahil mananaba sila.

 

Egay Yap yes. ako nag bbgay ako ng ideal pag galing race.

 

Egay Yap hindi ako nag papabaon sa ibon. pero wed and friday nag bbgay ako ng wakamoto maganda ibon yun dahil may probiotics at for better digestion na may vitamin b complex. wakamoto or gi digest oky yan

 

Egay Yap Cinco Pempena hindi ko inaadvice na gayahin nyo ang mixture ko dahil napaka trabaho dahil high protein. since arrival hanggang loading bbigyan ko kayo ng basic na ginagawa natin.

 

Sunday Electrolytes monday ELECTROLYTES pm vitamins tuesday tricho pm vitamins wed BAWANG pm plain water thursday creatine/l carni pm glucose friday vitamins pm glucose sat glucose

 

yan ang basic na ginagawa ko pero nag iiba yan dpende sa kelangan ng ibon. madaming nag tatanong pano ko daw nalalaman kung ano kelangan ng ibon. for me lahat yan nalalaman sa pamamagitan ng observation. simula yb hanggang ilaban sila tayo ang nag aalaga ng ibon natin kaya haba ng panahon na yan kilala na natin ang kilos or ugali ng bawat ibon natin. kaya dyan tayo babase sa kinikilos nila.

 

Egay Yap idol val hanggang panloloko lang ang ginagawa ko sa ibon. once uubra pero sa 2nd time na hindi na maloloko kaya last lap ko lang ginagawa kung kinekelangan

 

Egay Yap dindo wala akong hinahalo sa feeds. hindi ako gumagamit ng brewer yeast , fish oil or cod liver oil. yung mga barkada ko panay tanong sakin bakit daw ang kikinis ng ibon at ang bibilis mag lugon pero d ako nag bbgay ng oils. sabi ko skanila maganda ang vent ng loft at may flypens ang flying loft ko kaya mabilis mag moult at makikinis sila. paminsan minsan binubudburan ko ng baby powder hahahaaha joke lang

 

Egay Yap Paul edwin for me pag ka race proper na mas more on open loft nalang. Nag fforce lang ako pag nag load ako ng pampalakas sa ibon tapos hindi nakapag midtoss. Pero pag nakakapag midtoss naman open loft nalang. Usually nag fforce fly ako b4 magtraining at training season.

 

Egay Yap paul edwin kapag nag fforce fly ako sa una hindi pa gano kalakasan ang ibon pag ako nag force 15min ang inaangat ko every 2-3days. hanggang lumakas sila. 2hrs-3hrs kung mag forcefly kami. pero may time na tamad ang ibon umikot kaya pag ganun open loft nalang. 1- 1 and 30mins oky na.

 

Egay Yap justin wala naman kaming ginagawa pag basketing. pinapakain lang namin then pinapainum tapos punta na kami pha. sa pha doon kami nag papakain ulit at pinaiinum ulit. hindi ako nag susubo pag basketing. pag uwi doon ako nag susubo ng ideal.

 

Egay Yap joseph ireneo patay na ang kaisa isang idolo ko. si peter yap. sa totoo lang sya ang nag turo sakin nung 2007. pero lahat ng tinuro nya hindi ko naman sinunod. pinag isipan kong mabuti at kung oky tntry ko muna sa mga cutoff na ibon. isa lang ang hindi ko kakalimuatn sa turo ni idol peter "kung gusto mong hindi mawala sa sirkulasyon dapat upgrade ka yearly ng kaalaman mo, pag dumating yung panahon hindi ka nanalo back to basic ulit

 

Egay Yap nino espiritu importante ang hangin sa loob ng loft gumagalaw. pero wag naman sobrang mahangin hindi na maganda. kaya kung gagawa kayo ng loft may part na may jalousy para na aadjust nyo ang pasok ng hangin. pag ang ibon stress kelangan ng hangin sa loft para bumilis ang recovery nila pero pag nag kkondisyon na tayo mas mainam ang mainit ang loob ng loft mas mabilis mag kundisyon

 

Egay Yap Edgar bondesto performance then bloodline. kelangan natin ang pedigree para alam natin ang history ng ibon. mahirap kasi ang chpseuy or DAW line kahit proven na hindi natin alam ang babalikan natin. ako kasi pag nag iimport ng ibon hinahanap ko yung may mga dugo ng linyada ko.

 

Egay Yap Dindo Ulalan malakas ako mag halo ng malathion. wag nyong gayahin dapat alam nyo ang technique dahil tumitikwas ang pakpak nila pag nasobrahan sa babad

 

Egay Yap kahit naman poops ng tao delikado hehehehee pero sa loft importante laging malinis para hindi mag kasakit ang ibon. wag kang maniniwalang probiotic ang poops ng ibon buang lang ang nag sasabi nyun! ika nga mga nakikinerbyos lang pag dating ng karera! delikado talaga ang tae ng ibon. kung mapapansin nyo maiwan sa yero ang tae nasisira ang yero.

 

Egay Yap hindi ko pa na expi iyan Gil Ruiz Rausa pero tingin ko hindi naman makaka apekto dahil pakpak naman ang panlipad nila pero para saakin bata palang cull na iyan. ayaw natin ng abnormal hehehee

 

Egay Yap abramson totoo yan. kaya yung pedia ng anak ko nalamang nag aalaga ako sinabihan kagad ako na hinto ko na daw. sabi ko saknya nasa warehouse ko naman nakalagay hindi sa bahay pero sagot nya sakin pumupunta padin ako tapos uuwi ako ng bahay. kaya pag galing ako ng loft pag uwi ko ligo kagad. hindi masama mag ingat lalo nat buhay na ng tao ang nakasalalay.

 

Egay Yap yes. meron ako dati magaling sa north sa south mahina ang anak nila. awa ng diyos pinamigay ko hehehehe gusto ko kasi mapa north or south kaya nila

 

Egay Yap paul edwin oky lang naman. pero ako iba ang style ko. ang flyers at breeders ko sanay na kumain muna bago uminum. pag ka loft fly , training or galing sa race sanay sila mag pahinga ng 30min bago sila kakain at bago sila iinum. kaya ang ibon ko mabagal sa trapping. hindi maloloko sanay kasi sila sa ganun. saamin kasi ang money race namin is knock out system kaya ayos lang kahit mabagal sa trapping importante pumasok sa 700 speed limit hehehehe malamang na expi nyo na yung pag galing sa race pag pasok inum kagad ng tubig tapos pag papakainin nyo na ayaw na ganong kumain. pwede pang tamaan sila ng halak pag galing sa hard race sabay ng inum ng tubig.. may time panga pag kainum nila namamatay ang ibon dahil sumsabog ang baga. yan ang pananaw ko kaya sanay silang mag pahinga bago kumain at bago iinum.

 

Egay Yap ako kasi pag yb palang araw araw ko nilalabas once marunong na sila hanggang mag grouping sila doon ko bihira pakawalawan. 2 x a week nalang. 1 and half month b4 mag start ang training season doon ko na sila 2 x a day pinapakawalan. pag ako nag start mag selftoss araw araw pag medyo napagod sila pahinga 1 day toss ulit.

 

Egay Yap nino espiritu ako ganun ginagawa ko dahil pag nag ttraining kasi ako bugbugan pero kung club training kalang sumasabay hindi mo kelangan ipitin ang ibon mo. pag nag papalakas na kami ng ibon sa paikot una open force lang. open force -open loft na force.

 

Egay Yap nino espiritu magandang question iyan. sa pag aalaga ng ibon kelangan habang lumalayo ang training hanggang matapos ang karera dapat pumuputok ng pumuputok ang katawan nila. ibig sabihin nasa tamang landas ka. pero once na nag ddrop na ang katawan ng ibon mo habang lumalayo ang karera ibig sabihin hindi tama ang ginagawa mo. yan ang basehan kung nasaq tamang landas ka or nasa bangin kana heheheeh

 

Egay Yap basta laging nyong tatandaan na habang lumalayo ang karera lumalakas sila kumain. pag nakita nyo na lumalakas sila kumain asahan mo uuwian ka ng ibon mo. ako hindi ko kaya pabilisin ang ibon ko.. pero mas kaya ko pang mapa consistent sila

 

Egay Yap hindi sa ganyang pamamaraan paul edwin. una dapat malakas sila lumipad para lumakas sila kumain. kelangan pumutok ang katawan nila na magagaan sila

 

Egay Yap paul edwin once malakas lumipad ang ibon madami ang kakainin nyan. sa hapon mo sila pakainin hanggang kaya nila. sa umaga pwede mong takalin lang

 

Egay Yap edgar bindesto hindi mo kelangan mag dagdag ng protein.. kung ano ang gamit mo yun nalang. hindi kasi maganda ang mag dagdag ng protein dahil kadalasan yan ang sanhi ng nag lalangis ang ibon. once na over na sa protein masisira ang kidney nila pag nasira na mag lalangis na ang ibon

 

Egay Yap idol val ang ibon ko pag sa loob ng loft maaamo pero pag nasa flypen or nasa landing board maiilap hahahaahaa pero pag sobrang amo ng ibon nakakatakot na din dahil baka pag sobrang pagod bumama pag tinawag lumapit hahahaah

 

Egay Yap sakin kahoy na solid. pero yung apakan ng tao plwood na may colored shit. sira na yung apakan ng tao kaya mag papalit ako pag tapos ng south race ibabakal ko na tapos yung landingan ng ibon kahoy padin

 

Egay Yap juan alog basta malakas lumipad ang ibon lalakas sila kumain doon pumuputok ang katawan. pero kung malakas sila kumain tapos kulang sa lipad puputok din pero mabibigat sila.

 

Egay Yap sorry blue suarez hindi po ako nag bbgay ng sunflower. pero kung gusto nyo gumaan ang ibon force fly nyo tapos bigyan mo ng malta/barley.

 

Egay Yap Paul edwin kahit ano pwede. Pero may nag sasabi na ang cock daw d pwede sa vperches. Pero ako sa breeding pen ko puro box perches. Sa flying pen ko naman sa flying loft vperches tapos sa loob ng flying loft widowhood box naman.

 

Egay Yap Joey pag north nag bubunot ako pero last 2 flights lang. Ginugupitan ko muna ng tag 2 inches tapos after 15-20days binubunot ko na. Lagi ko kasi nangyayari sa north ko Na inaabot ang 9 and 10. Pero pag south hindi na dahil mahaba ang Time kaya natatapos sila mag lugon.

 

Egay Yap Usually may ako nag ccut then mid may ako nag bubunot

 

Egay Yap Fred baloloy wag muna pag aksayahan ng oras yan. Kahit gumaling yan once na stress ulit yan babalik lang. Next time pwede kayo mag patak ng clone 30 sa yb and sa breeders. Sabi ng mga kaibgan ko na gumagamit nyan pag nag patak ka lahat dapat patakan. Effective daw dahil pag kumukuha sila ng permit sa bai pasado daw mga ibon sa NCD. Ako kasi ang gamit ko vaccine. Bali pag iaakyat sa flying loft ang yb automatic binabakunahan na namin. Peroga breeders ko hindi ko na binibigyan dahil para sa akin ang breeders ay nakakulong lang at malalakas ang immune system nila. D sila basta dadapuan ng pmv. Ang yb prone sa pmv dahil lumilipad sila at mga bata kaya hindi pa masyado matibay ang immune system Nila

 

Egay Yap Paul edwin depende kasi sa lugon ng ibon mo. Bilangin mo Nalang kung aabutin o hindi. Yung pang 9 and 10flights pag nabunot na bumilang ka ng 69 days bago mabuo ang pag tubo.

 

Egay Yap Giovanni Sanchez kadalasan sa ibon ko small to medium may iilan lang na large at 1 or 2 na xtra large. deep keeled and well built ang muscles nila at may mga apple body ako na kadalasan pang mc arthur ko.

 

Egay Yap Jose Manalad Jr stichelbauts , janssens and bekaert yang ang top3 lines ng ibon ko. pag nag iinfuse ako hindi nawawala yung 3 yan. halos imports lahat ng ibon ko. meron ako galing sa local fancier sa kumpare ko kay Eddie Noble. top 4 sakin is oscar devriendts.

 

Egay Yap Adrianne Dator puro imports ang gamit ko. may local ako galing kay pareng eddie noble. yung mga imports ko yan na ang foundation ko. na developed ko na kasi ang linyada ko. so umiikot nalang sila then outcross ko sa mga new imports ko pag oky an lipad nung new imports

 

Egay Yap line breed inbreed pinanlalaban ko. pero pag nag iinbreed ako laging 2 genrations ang pagitan. pero pag 1 generation lang stock ko lang.

 

Egay Yap yes pero pinaka mataas na yung 75%. last south yung nilaban ko na inbreed 75% blood yun ang nanalo ko ng almost 900k hehehe

 

Egay Yap Blue Suarez force pairing ako. eto ang gamit ko glucose ,electrolyte, tricho pls, bawang , vitamins tsaka plain water dyan lang umiikot ang binibgay ko sa water. then 2 months b4 ako mag breed deworm after 2 weeks dewrom ulit then nag bbgay ako ng pang respi (curegold) then tricho plus tapos puro palakas na. after ko mag breed mga 2months ganyan din ginagawa ko sakanila

 

Egay Yap wala naman pre. pero mas masarap ang pakiramdam na may sariling ibon. iniiwasan ko din kasi dati na pag nanalo na ako ayaw ko ng may maririnig na galing sakanya yung ibon. tsaka sa pigeon sport ang pinaka masarap yung gagawa ka ng sariling linyada or mag developed ng sariling linyada. ika nga walang katapusan na pag aaral ng kaalaman sa pigeon sport. wala pang pinapanganak na magaling mag ibon sa mundo. kaya lahat tayo gusto mag upgrade ng kaalaman. ika nga kahit na maayos ang performance dumadaan padin sa actual trial and error.

 

sa totoo lang since nag ibon ako hindi ako nag babasa ng libro or nanonood ng video tungkol sa sport natin. hndi kasi ako naniniwala sa theory. nung bago ako panay ang gulong ko pero nakatawa lang ako at ang bawat pag gulong ko yan ang ginawa kong basehan upang itama ang pag kakamali. kaya sa wag tayong mawawalan ng gana pag hindi tayo nananalo, pag butihin at itama ang pagkakamali.

 

Egay Yap jireh kung ano ang gusto mo or kung ano ang kaya ng budget. ako kasi tikitiki star lang ang vitamins ko sa lahat ng ibon ko

 

Egay Yap b4 buhangin ang gamit ko kaso nag rereklamo mga loftboys ko dahil araw araw pinapakutsara ko ang tae sa buhangin. maselan kasi ako lalo na pag dating sa linis ng loft. may nakukunan na ako ng tabacco stalk ngauon kaya yun na ang gamit ko.

 

Egay Yap Maselan ako sa flyers ko. Yb palang pag nanghina ng konti cull na

 

Egay Yap Rodel dela cruz malaki ang pinag kaiba. Ngayon ang mga fancier marunong ng mag upgrade pero mga old time player iilan lang ang hindi nawawala sa sirkulasyon dahil lagi sila nag uupgrade ng kaalaman nila. Sa weather lang malaki na pinag kaiba. Tsaka dati ilang ibon lang nag lalaban ngayon naknakan na ng dami.

 

Egay Yap Bing Cruz force fly or mag midtoss ng late para mabatak sila sa init. open loft ng tanghali malaking tulong din

 

Egay Yap Jhon Nielle Pontillas yes electrolytes talaga ang binibigay pag galing race ang ibon.

 

Egay Yap Jonathan Reyes Lbc Loft since elementary mahilig nako sa ibon pero mga native lang alaga ko. nung 2003 sakto graduate nako then nag rrun na ang business ko doon ko sinimulan ulit ang pag aalaga. isa sa mga client ko si jimmy tee ng pha.

 

3-4years pero ako yearly may dumarating pero maselan ako mag subok ng new imports. pure ko sila ililipad kahit hindi sila manalo basta nakitaan ko ng potential susubukan ko ng icross sa ibon ko. pero pag pure ko nilipag at gunggong sa loob ng 2 years yaya ang bagsak nila. like may nakuha ako 2 ibon sa pha auction ni jos thone sobrang galing kaya ginawa kong yaya sobrang galing mag subo hahahaahaha

 

Egay Yap Ogidor Nazilaer para sakin ang nag ggoing light wala ng pag asa manalo sa race. meron man pero napakaliit. usually ang ginagamot dyan is pang salmonella pero kung hindi makuha sa gamot na pang salmonella gamitin mo na ang huling baraha hyahaahhahahaa baytril! sure gagaling sila pero yung mahihina sureball matitigo0k

 

Egay Yap Dennis Mancera Dagdag basta palayo ng palayo ang race paputok ng paputok ang katawan nila na magaan ibis sabihin nasa tamang landas ka

 

Egay Yap Rigel Ocampo pag race na meron akong ginagamit na Lcarnitine and creatine. glucose meron din ako

 

Egay Yap Nikko Sallao dyan mo ako wag tanungin. dahil hindi ako marunong mag pabilis ng ibon hahahaaha ang gusto ko kasi sa ibon yung mabagal lang pero consistent. ako once na biglang humataw ang ibon ko especially mga 2k banded ko kinakabahan nako next race hahahaha

 

Egay Yap Christopher Bondoc De Leon hindi eh. ang gamit ko sa TriM is curegold, in and out , chelated mineral , cankure calci max. yan lang ang ginagamit ko sa products nila.

 

Egay Yap Jefferson A. Baarde Simple lang ang pag kakalapati wag nating gawing complikado. sa daming nag sulputan na gamot hindi natin pwede gamitin lahat iyan. hanggat maaari iprevent na ang mga ibon para hindi na sila dapuan pa ng sakit. once na healthy ang players natin since yb sila hanggang mailaban malaki na ang chance manalo iyan. OBSERVATION yan ang importante dahil hindi naman sinasabi ng ibon kung ano ang kelangan nila pero sa kinikilos nila yan ang pag babasehan natin. simula sisiw hanggang tumanda tayo nag aalaga sa haba ng panahon na yan sure ako kilala na natin ang kilos ng bawat isa. Sa mundo ng pag iibon lahat tayo gusto ma upgrade ang kaalaman. in short "COMMON SENSE" & "OBSERVATION" ang kelangan ng mga newbie

 

Egay Yap Carlo Tan 2x a day ako nag paparanging bago mag training. madaming factor kung bakit ayaw na rumonda ng ibon. pwede masyado na sila malibog kaya tamad na sila. kung ganyan itraining mo na ng itraining

 

Egay Yap Kenneth Buytuy para sa akin ang gamot sa bulutong laging malinis ang loft at walang lamok. pero meron nabibilhan ng pox vaccine. gumagamit ako nyan bago mag start ang training ng north lahat pinapahiran ko north and south. hindi kasi maiwasan baka mahawa sa truck.

 

Egay Yap Ramil delros usually max na ang 3clutch. Nag papayaya ako pero mga 12 days old na bago ko nililipat. Kaya mga nasa vip breeding room ko umaabot ng 4th round. Gusto ko kasi makuha ng sisiw sa totoong magulang nila yung gatas.. Pag grains na ang sinusubo tapos kelangan kong kunan hanggang 4th clutch nililipat ko

 

Egay Yap Justin masayang masaya nako sa loft ko. Ika nga lahat ng parte ng loft ko useful lahat. Yung flying loft ko yung sa likod ng mga widowhood boxes ko mga sliding. Kaya pag galing karera ang ibon ko binubuksan ko para mabilis sila marecover sa tulong ng hangin pero yung mga sliding ko may loover sila sa likod para pag pumasok ang hangin sabog na. Kasi ang direct tinatamaan ng hangin mabilis mag ka sipon at hindi makukundisyon ng maayos. Kaya sunday to monday naka bukas yung sliding tuesday Maliit nalang ang bukas pag dating ng wed hanggang loading close na lahat yun. Kaya naka sarado para mabilis maicondition ang mga ibon

 

Egay Yap Tedz tedi stich ang pinaka mataas na dugo. Dahil mas dominante sila pag dating sa consistency. Ang bekeart ang maliit ang dugo dahil pag mataas ang dugo ng bekeart sureball hindi mag cconsistent

 

Egay Yap Nino masakit kasi ang katawan nila lalo pag hinawakan mo na lugon ang katawan. Pwede mo naman ikeep kahit 1-2weeks dahil Sigurado ako pag nag heavy moult ang players natin matagal pa bago mag race. Mga iba kung mapapansin nyo habang nag ttraining nag mmoult oky lang yun basta leeg lang pero nakaka affect din ang pag iba ng mixture. Once nag iba ka ng mixture sa training asahan mo mag mmoult sila.

 

Egay Yap Tedz dede ang bekaert kadalSan mgaling sa malayo pero ewan namin bakit pag sa malapit nag bubutas. Kaya pag mataas ang dugo ng bekaert kinakabahan kami. 1st 2nd and 3rd lap doon lagi bumubutas

 

Egay Yap Nino once na maganda ang ventilation ng loft mo maganda at mabilis sila mag moult. Mga iba pag gusto mag moult kagD ang katawan pinadidilim nila ang loft pero pag gusto nila pabilisin ang pag palit ng pakpak binubuksan nila ang ilang.

 

Egay Yap Nino karamihan nag bbgay ng cod at fish oil para magNda ang feather quality. Pero hindi ako gumagamit nyan at hindi din ako gumagamit ng brewer yeast

 

Egay Yap Rhad para sa akin oo. Kaya kahit nag bbreed ako pag dating ng 6pm pinapatay ko na ang ilaw

 

Egay Yap Tedz dede yang 3 way cross ko sila ang ni lline breed ko. Hindi ako nag lilipad ng purong stich. Dahil yang 3way cross ko ang na developed ko. Sila ang outcross ko sa ibang line ko na maayos din pero hindi mawawala sakin yang 3 lahi na yan. Pero may magaling ako na oscar galing kay pareng eddie noble binabangga ko sa foundation ko na stich nag lalabas ng winner sayang namatay na yung mgaling na oscar. Kaya may bago akong pinalit dela hoya naman hhahahaa

 

Egay Yap Ramil Delros pinalalaki muna hanggang ililipat namin yung ipapayaya doon namin tatanggalin yung anak ng yaya. oo cull na.

 

Egay Yap Paul Edwin Flores Dacanay pag ka nag tuturo pinapakain ko muna bago ilabas. pero pag malalakas na sila ikot muna bago kain.

 

Egay Yap Gil Ruiz Rausa cull talaga. dahil kelangan ko yung sing2. pero pag madami nako hindi ginagamit na breeders tinatanggalan ko lang ng sing2 tapos pinapakawalan ko nalang. kadalasan mga imported. baka pag binigay ko mapahiya lang ako.

 

Egay Yap jensen hindi naman totally hindi good. meron naman na lilipad ng maayos pero maliit lang ang percentage. tsaka isa pa gusto natin nasa standard ang physical nila.

 

Egay Yap ako kasi pag buka ang sipitsiptan automatic binibitawan ko kagad hahahaa

 

Egay Yap sa totoo lang may 1 akong buka ang sipitsipitan na breeder. nilaban ko yung ibon ng north butas butas sya pero naka 2 or 3 top 10. tapos kinambyo ko ng south simula naga hanggang calbayog hindi nag pa clock tapos last lap na tacloban nag 4th sya. sinubukan kong ibreed nag lalabas ng winners at mga apo maayos ang performance. kaya masasabi ko hindi totally na weak ang buka ang sipitsipitan pero mababa lang ang percentage na magiging maayos sila sa race at breeding.

 

Egay Yap Meron pero hindi para malaman kung long or short. Usually pag smashan ang laban pag umuwi mga ibon tinitignan namin ng after 2-3 days kung medyo curve padin ang pakpak nila. Kadalasan kasi pag smashan yung mga pakpak nila umuunat so pag ganun ang nangyari iniisteam namin para bumalik sa dati. Pag unat ang pakpak hirap sila lumipad dahil walang nilalabasan ang hangin pag kumakampay sila. Kahit maganda ang uwian pero may mga ibon na sadyang pinipwersa ang sarili nila para makauwi kagad minsan umuunat din ang pakpak nila kaya ganun din ang ginagawa ko iniisteam din para bumalik sa dati

 

Egay Yap Sa totoo lang tama ka. Pero dito sa pinas mga average fancier pag dating sa kalapati lumalabas lahat ang pera. Pero may mga alternative naman silang pwedeng gamitin. Like yung mga generic na pan tao katulad ng doxycycline. Kung gusto talaga nila kaya nilang gawan ng paraan para maka hanap ng murang gamot.. Pre lahat tayo pwede tumulong kahit nasa ibang bansa. Malaki ang naitutulong ng facebook.. Unang una tulungan natin na ma eliminate ang mga misleading fancier na ang hanggad ay maka benta lang. Kung mapapnsin nyo kadalasang rason ng mga newbie kaya humihinto naloko sila kaya nawalan ng gana. Natural sa newbie ang matalo sa race pero kahit matalo hindi sila umaayaw unless naloko sila. Madami kasing benta man na kung makapag sales talk grabe! Sasabihin nila pag kumuha sakanila ng ibon sigurado mananalo. Sa totoo lang kahit kanino pa galing ang ibon hindi natin masasabi kung mananalo ir hindi.

 

Egay Yap weekly naliligo sila. depende sa panahon kung mainit sobra 2-3x a week self bath. pag training palang pag nag lagkit na ang ibon ko nag mamalathion ako pero pag laban na weekly na ang malathione ko

 

Egay Yap Paul ryan yan ang prob ng mga fancier basta puti ang pakpak or gray. Ako kasi nag gaganyan ang ibon ko pag last 2 race na sa mga off color. Malaki ang naitutulong ng malathion. Kung may oras ka try mo gawin ito.. Every 2weeks pag nag start na ang training mag lagay ng sa cotton ng pure malathion tapos ipahid mo sa may puti or grey na pakpak basta magawa mo yan every 2weeks hindi mag titistis iyan. Pero pag hindi pa nag palit ng pakpak kahit anong gawin mo Masisira talaga.

 

Egay Yap Hindi naman. Mga iba ang ginagawa nila sa kalahating balde ng tubig 5takip lang ng malathion. Wag lang ilulublob ang ulo para hindi mamatay hehhe

 

Egay Yap Franny usually pag deworm After 14-17 days de worm Ulit then kasunod na ang mga prevention like tricho and respi then after nyan papalakasin na sila pag magandang maganda ang condi pwede na sila ipair

 

Egay Yap Christian usually nangyayari yan pag isa lang ang nabuhay na sisiw. Kung mga 14days palang yung sisiw pwede mo lagyan ng tali yung paa para bumalik sa dati. Pero ang best way talaga CULL! Hehhehe

 

Egay Yap Julius baka nabasagan na ng itlog? Pag ayaw ilabas tulungan mo palabasin. Lagyan mo ng oil yung labasan ng itlog tapos itulak mo yung itlog dahandahan

 

Egay Yap Noel Soriano sa flyers pag uwi galing race nag bbgay ako, sa breeders hindi. pero sa mga sisiw nag bbgay ako 12days olr hanggang iwean araw araw bnbgyan ko pero 3 klase. ideal, wakamoto and gi digest.

 

Egay Yap Elmer Buenaventura Wingwars Loft kanya kanyang pamahiin yan. ako hindi din nag papakuha sa mga players ko. nag kakataon kasi mga pinicturan dati naaaksidente pero pamahiin lang iyon

 

Egay Yap Rodel sa totoo lang may mga fast muturing bird at may slow maturing bird. Yung mga fast masturing magagaling pag bata pero ang slow maturing na ibon maggaling sila sa ob. Pero sa expi ko sa yb race ang mga may edad na yb palyers natin mas lumulusot sa smash pero ang mga bagets na yb magagaling naman sila pag hard race ang labanan.

 

Egay Yap Rhad@ pero bawat sakanila may partisipasyon. Sa 5 loftman ko lahat sila gumagana. Like yung isa naman pag dating sa training napaka sipag. Sa totoo lang kahit ako ang amo nila once na gumagawa ako ng plano namin open sila mag suggest. Kasi minsan dumarating yung time na abuso na ang gusto ko mangyari sa ibon kaya hindi sila nahihiya mag sabi sakin. Ika nga team talaga kami.