From: Hydie Sacopon <hydie1213@yahoo. com>

To: sportshobbies@ yahoogroups. com

Sent: Mon, January 25, 2010 6:09:31 AM

Subject: [Sports&Hobbies] heartbreaking pigeon story

 

 

Dear Reader..

 

I have had a few heart breaking experiences.

The one that sticks out in my mind was......

I had a white racing pigeon that I called Tippler Tail. He was a gorgeous cock bird that was pure white except for the tips of his tail feathers that were black. He was so pretty to watch fly. He also had Boots, (feathers on his feet). He was one of the first birds I bred out of Hermans that a nearby flyer gave us to start with, back in 1989, when my father first started out in pigeons, and I was the record keeper, scraper, and just helper, because I knew nothing about racing pigeons, and he had a partner. The mother was a blue bar, and father was white with one blue feather in his tail. I had the Tippler Tail on the race teamn for four years. Never won a race, but was a consistent bird, and won pools with him. He flew all the races from the 150-500.  Well, in 1993, he was shipped to a 400 mile race, and didnt return on the day. It was not like him. He felt good, and ready for the distance. So we thought, maybe he was tired, but he'll be home the next morning, he's been there and further before. The next day passed, a week passed, a month passsed, and still noTippler Tail. He was one of my favorite birds, and missed him a lot. Everyday, the trip to the loft, was disappointing. Then, about 7 weeks later, as I walked to the back to the flying loft, I can see something white on the landing board. From a distance it looked like a little bird. so I never even thought it was him. As I came up closer, and looked at this sad, fluffed up little bird, I realized it was HIM! Half the bird I had shipped 7 weeks ago, so I reached up and picked him off the landing board, he didnt even try and move. As I looked at him closely, he had a tuft of feathers sticking up from behind his neck. When I looked closer, with the feathers sticking up, there was also a lump of skin. From the way it looked, we can only guess that a hawk had grabbed it by the neck (or another animal), and as he pulled away from it, the skin on his neck was torn and pulled up towards his head. By the time he returned home, he had grown new skin on his neck, and pin feathers were growing in. I cannot imagine him being able to survive in that condition for all those weeks, but somehow, he managed to heal up, and return home. I wish there was a way that I could have found out how it happened, and how he survived, and regained strength to return home. Pigeons are just amazing creatures. Their homing instinct and love for home is so strong, that it breaks my heart to think of what was going thru his head all that time. That is why, when you raise racing pigeons, you should treat them with respect, because we have no clue as to all the obstacles they encounter, and what they go thru a lot to get home to us.

 

Yours in the sport,

Mary Bajer

HighLow Lofts

North Brunswick, NJ

 

 

 

      KAIBIGANG 35 PESOS

 

Ni  Roy P. Quiroz

 

 Tanong:
Malalaman at mapipili mo ba ang magaling na  kalapati (o kaibigan) sa pamamagitan ng pagtingin lamang?

Sagot:
Bumili ako ng kalapati, 35 pesos, may edad na, mga 3 taon siguro, di
ko lang matangihan nagbebenta. Linagay ko sa kulungan ng mga
kalapati ko. Pagkatapos ng isang linggo, umaga, binuksan ko pinto ng
kulungan. Lumabas yung P35 na kalapati, lumipad, tumaas ng tumaas
ang lipad, sobrang taas, hanggang maging tuldok, hanggang di ko na
makita, nawawala at babalik sa liwanag, hangang ayoko nang tumingala
at masakit na mata ko sa araw. Sabi ko, "nawala na 35 pesos ko.
Lumipad".

Noong 1987 ito. Uso pa noon ang kalapati sa amin, nagsisimula pa lang
ako mag alaga, at madaming nagbebenta. Basta mukhang imported, malaki-
ilong, mahal. Pag karaniwan, singkwenta. Pag maganda talaga, 200 to
300. Tatlong daan ang pinakamahal na kalapati na nabili ko noon, pero
1987 ang taon, malaki na katumbas 300 ngayon.

Nuong hapon ng araw ding iyon, mga alas kuwatro, nagpalipad ulit ako ng kalapati.
Rumoronda sila, pero sa abot tanaw lang ng bahay. Mga 15 lahat. May
isang kalapati sumama, mataas lipad, pababa, hanggang sumama sa mga
kalapati ko. Ikot, ronda pa, hanggang bumaba na lahat. Nagulat ako
dahil yung isa na sumama, galing mataas, ay `yung kalapati na binili
ko ng P35. Bumalik P35 ko!! Pagpasok sa kulungan, kasama na P35,
parang sanay din sa trap door pumasok.

Siyempre, nakakatuwa. Di ko man lang inalagaan yung P35 kalapati na
yon. Isang linggo sa kulungan, bahala na siya. Maliit kasi ilong
nito, pero di naman parang native, blue bar lang kulay (pinakapangit
na kulay `yun, wala character), malakas mambarako, nanghahabol ng
ibang kalapati. Malakas mag-teritoryo. Pero `di naman parang native
ang katawan, katulad lang ng karaniwang imported. Kinaiba lang nya,
parang tamad, lagi kasing nakabagsak sa sahig pakpak nya at parang
mabigat na hinihila.

Pinabayan ko na lang sa kulungan, kahit pangit. Nagka asawa,
nagkapugad-teritoryo, at sumasama na sa ronda.

Dahil 35 pesos lang, at nakita ko mataas lumipad, hinagis o pinahagis
ko, kahit saan. Pangasinan, Bulacan, Manila, Baguio, kahit saan.
Kahit araw-araw. Di naman kasi ako manghihinayang, di katulad nung
mga mahal.
Ineksperimento ko pa si "35" na paliparin pag gabi. Alam ko lang na
lumilipad pa dahil, sa tahimik ng gabi sa probinsya, madidinig ang
pagaspas ng pakpak pag dadaan sa taas. At alam kong bumaba na pag
lumagabog ang bubong sa pagbagsak ng katawan nya. Mabilis pa din
pumasok sa kulungan kahit gabi, nabu-bunggo lang konti.

Dahil di nawawala si "35" kahit saan paliparin, sinasabay ko na sa
kanya yung mga mas mahal na kalapati pag hinagis. Mababagal `yung mga
mahal. Mabilis si 35, pati pagpasok sa kulungan, mabilis. Sa paghagis
pa lang, kita na na mabilis siya. Di na umiikot, diretso na.

Pero kasi pangit eh. Tuwing titingnan ko `yung mga kalapati ko,
malalaki talukap sa mata, malalaki ilong, pumapangit lalo si 35. Nang
may mangursunada sa asawa ni 35, naibenta ko na pati siya. Bonus
lang. Hindi naman ako nanghinayang. Madami pang mas magandang
kalapati.

So tuloy ang pag-aalaga ko, naghahagis, bumibili ng mas magandang mga
kalapati.

Pagkatapos ng siguro mga 2 linggo, Pasko 1988 pa nga, nagulat ako,
bumalik (uli) si 35!! Ang galing! Ang "batas" samin, pag binenta at
bumalik, wala nang habulan. Sakin na uli 35 ko!

Pero di pa huli `yon. Sandali lang, binenta ko si 35 ulit. At
pagkatapos ng 2 buwan, bumalik, ulit. Galing ako sa high school noon,
hapon. Feb 5, birthday ko pa. Nakita ko si 35 sa kulungan, nakikipag
away. Gusto `yung dating itlugan nya.

Mula doon, at noon lang ako lalo nakapag isip. Birthday ko, may mga
taong nag regalo sa akin, ngunit ano pa ba ang regalong mas hihigit
sa pagbibigay ng sarili? Noong Pasko, rinegalo din ni 35 sarili
nya. "Tama na ang pahirap ko sayo", sabi ko, "at tinatanggap ko ang
regalo mo".

Mula noon, di ko na binenta si 35. Pero, nagka-anak ng mga maliliit
ilong, kaya pinapamigay ko lang mga anak. (Malalim pa sa utak ko na
pag malaki ilong, magaling.)

Tapos college na ko dito sa Manila. Iiwan ko na mga kalapati ko sa
probinsya. Pinabayaan ko na lang na bukas ang kulungan ng mga
kalapati ko, kung malilimutan pakainin, madami naman nagkalat na
palay para pagkain nila.

Madalang lang ako umuwi sa amin, dito na ako lagi sa Manila noon. Di
naman ako makapag alaga kalapati dahil naki-dorm lang ako dati. Sa
dalang ng pag uwi ko, kumokonti na kalapati nadadatnan ko sa amin,
hangang wala na, dalawa na lang, si 35 at asawa. Binigay ko na lang
sa isang kaibigan. Minsang pag-uwi ko, sabi n'ya, wala na, namatay
na daw si 35.

Kahit na di na ko nag-aalaga ng kalapati, naging sensitive ako sa mga
lumilipad sa ere. Napapansin ko pag may mga kalapati na lumilipad, o
lawin, o agila, o tagak. Madalas kong naiisip, pag may mataas, "ganun
si 35 lumipad".

Nang magka-internet, nakita ko pa lalo na ang mga kalapating
magagaling ay di naman lahat may malaking ilong. Lalo kong nabigyan
halaga ang mga katangian ni 35.At nanghinayang. Napakadalang pala
nya. May nakita lang ako na halos kamukha nya sa internet, liban sa
pakpak na nakababa at hinihila, na naging champion.

Iyon din ang mga katangian ng kalapati na hinanap ko ng muli akong
mag alaga, nang bumili ako ng mga kalapati  noong isang taon. May tama
naman at magaling. Pero may mali din.

At may mga leksyon din akong nakuha kay 35. Hindi lahat ng pangit,
hindi lahat ng mahirap, hindi lahat ng may sakit (kahit terminal na),
ay dapat na wina-walang bahala. Lahat ay laging may pag-asa. May
kakayahan din silang itinatago na di bagkus akalain. Na bigyang diin
ko ulit ang kasabihang, "Don't judge a book by its cover." At “Lahat
ng itlog ay napisa na malaya at may pagkaka-pantay-pantay”.

At kung may magpapalit sa akin para kay "35" ko, kung buhay pa
ngayon, ng Barcelona International Champion, ng pinakamagandang
kalapati sa St.Claire's Loft or Louella's, o Belgian Ace Pigeon, o
Winner ng Beijing one loft race, o Champ sa AU; sasabihin
ko, "Sorry, keep your birds to yourselves, I'll keep my "35".



 

Royquiroz@yahoo.com
Loft 35