MAINAM NA KALAPATI

 Ang pinakamagandang katanginan ng isang pangarerang kalapti ay mapapansin natin sa kanilang pagkilos. Ang mahusay na anyo ng kalapati ay ang naka relax, kahit na ito ay hawakan ay mahinahon pa rin at hindi natatakot sa humahawak sa kanya. Mayroong mga matapang na nangangarate aat nagwawala kapag hinuli mo at masasayang lang ang pagod niya sa pagpupumilit na makawala. Dapat maramdaman ng kalapati na hindi sila sasaktan at kumpyansa sila sa kanilang tagapag-alaga kapag ibinuka mo ang kanilang mga pakpak ay hindi sila lumalaban.

Mayroon ding ilang mahuhusay na kalapati na mapapansin habang sila ay pitson o inakay pa lamang. Ang mga inakay na umabot sa gulang na dalampung araw ay dapat nagpupumilit ng kumain magisa. Sabi nga ng mga nakaranas na ang ganitong pitson ay may determinasyon at magandang simbolo ito ng ugali nila. Pinipilit nilang makauna sa pagkain, paginom at maging pati sa pagligo. Mapapansin din na ang laman sa bandang kilikili ay maskulado ngunit malambot. Ang kanilang balahibo ay makintab at makinis pati na rin ang mukha ay hindi maputla ito ay mamulamula. Ang mga mata ay malinaw at walang nakaharang na kahit anuman.

Ang kalapating takutin ay maaring sumuko sa karera kapag pukpukan na ang laban. Ang laman o muscle sa kilikili ay masyadong matigas o naninigas dahil sa takot, kailangang malambot lamang ito kapag pinisil ng kaunti. Ang pakpak ng natatakot na kalapati ay medyo lumalaban kapag ibinuka mo at nagsasara kaagad kapag binitawan. Maraming nag-aakala na ito ay dahil sa malakas ang kalapati. Sa totoo lang ito ay dahil sa kaba na nararamdaman ng kalapati, nanginginig at tense na tense ang buong katawan nito. Kapag tense ang isang kalapati ang daloy ng sustansya sa katawan nito ay hindi maayos kaya hindi magiging maganda ang anyo nito.

 

 

http://groups.yahoo.com/g roup/sportshobbies/

NUTRENA FEEDS

By : Melchor De Asis