PAGPILI NG IBON

 

I'm very interested to share ang mga experience me about pigeon. Guys, Kung sino man nakakakilala sa akin alam Kung Hindi nyo ako kilala... Hehehhehehehe

Sa pagpili ng ibon sa body may dalawang pagkakaiba eto ang deep keel at ang apple type body ng ibon. Ang deep keel na tinatawag ay ang patulis ang buto na parang barko ang hugis. Samantala ang apple type body eto naman ang bilugan na tulad ng apple pag hinawakan mo. Sa kalapati hindi dapat na masyadong mabilog ang katawan at siksik dahil kung malapit mabilis ang mga bilugan na katawan pag nalayo mabagal na sila dahil mas marami ang fat sa katawan dahil madaling tumaba ito. Hindi tulad ng deep keel na hindi tabain the more na mas mahaba ang bone mas mainam kaysa sa maiksi matibay yan sa malayong liparan.

Sa pakpak dapat ang ibon ay matibay ang stick niya hindi baluktutin sa dulo importante yon pag tinignan ang pakpak sa 8 and 9 primary flight pag ang dulo ay medyo na baluktot wag mong kunin ang k kahit ito ay line ng champion hindi tatagal sa liparan ang mga yon pag malayo at smash ang laro dapat strong ang stick sa web ng feathers ng ibon.

 Mas mainam ang kung ang butas sa ilugan ay medyo maluwag mas mainam ang pag daloy ng hangin papasok sa kanyang baga. Ang pelvic bone ay importante kung maluwag ito matulin lumipad pero walang tibay sa liparan mas mainam ang dikit ang pelvic bone sa kalapati.

Iwasan ang malayo ang pagitan ng b.bone at ng p. bone hanggan maaari ay wag lalagpas sa dalawang daliri pag sinukat sa ilalim…The more closer to each other mas maganda dahil mas matibay ang kanilang back bone. 

Sa loob ng bibig ng ibon pag binusan hindi dapat maluwag ang butas dapat medium lang para ang pag daloy ng hangin ay maayos at hindi uhawin ang ibon. Ang buntot ng ibon ay dapat hindi bukang buka mas mainam ang one pc kung maaari ang tindig ay dapat smart kung tignan at ang mata ng ibon ay dark or malinaw ang bawat kulay wag yong maputla ang kunin. 

*** Sa breeder hindi purke champion ang ibon maglalabas na ito ng maayos na anak?  May dalawang klase a good producer and a good racer pag ang ibon ay good racer lang kadalasan hindi naglalabas ng maayos na anak kaya natatanong natin bakit ganon champion yon bakit hindi maglabas ng maayos na ibon? Di ba mayroon hindi maayos na racer pero madaming nilalabas na champion yon ang good producer na ibon.

 

 

http://groups.yahoo.com/g roup/sportshobbies/

NUTRENA FEEDS

By : Melchor De Asis