PARES NG KALAPATI

Bago magpares ng mga breeder ay sa katapusan ng Oktubre o unang linggo ng Nobyembre. Sa ganitong buwan mas nagiging malusog ang kanilang mga supling at mas nagiging mas kakaunti ang nakikitang kong sagabal sa kanilang paglaki. Mas ligtas din sila sa bulutong na karaniwang tumatama sa ating mga alagang kalapati. Dati kasi ang karaniwang gingawa ng mga breeder sa dami ng mga Alaga nila ay hindi na sumusunod sa BREEDING SEASON na tinatawag kya't wala sa panahon  ay nag-iitlugan na ang mga kalapati nila. Sa ganitong dahilan, hindi na nakokontrol ang pagdami ng kalapati o hindi na nila naitatala kung ilang pares ng inahin at barako, ang nagbibigay ng pinakamataas na performance sa kanilang mga anak. Napakahalaga sa pagpapalahi na masusi nating naitatala ang pedigree o lahing pinagmulan ng pinakamagaling na kumbinasyon ng ating mga ibon. Ito ang ginagawa ng mga dalubhasang nagpapalahi sa Amerika at Bleguim kya mas angat sila sa industriya ng HOMING PIGEON kung ikukumpara natin sa Saudi, Hapon, Korea, Taiwan, Pilipinas at Tsina.

 

http://groups.yahoo.com/g roup/sportshobbies/


NUTRENA FEEDS

By : Melchor De Asis