PMV

 

 

 

Kapag ang kalapati ay masyadong napagod ang kanyang nervous system ang naapektuhan at pag di naagapan napupunta sa PMV... May mga fancier na nag iinject ng vaccine para ma iwasan ang PMV...

 

Ang treatment na ginagawa dito ay  2 months before na magbreed magbigay ng pang CANKER, COCCIDIOSIS at MYCOPLASMOSIS. . then 2X na disenfect sa loft at laging dry ang floor ng loft at ang paligid, ang mga nest bowl sa ilalim nilalagyan ng borax powder para hindi pumunta ang mga insecto (ipis etc) vitamins 2X a month magbigay, gulay 2 x a week at everyday ang grits and mineral 2X a week lang, salt 2X a month lang. Ang kailangan kasi ay ibuild mo ang condition ng katawan ng K's para manatiling malakas ang resistensiya.

 

Cull mo na lang ang K's para hindi mahawa ang mga kasama niya.... Huwag mag babase sa bilis ng uwi niya sa training dahil mahina ang kanyang resistensiya mas gusto ko ang K's na mabagal muna sa malapit at habang nalayo duon nag sisimula ang kanyang bilis at may resistensiya .. naubos ang reserve sugar ng K's mo kaya bumigay ang condition niya.. 

 

Pero kung bubuhayin mo eto ang pamamaraan para magamot mo hiwalay mo ang K's ang flooring ay screen (ang dumi diretso sa sahuran hindi naaapakan ng K's) Ang tubig ay dapat may fresh everyday... Mag bigay ka ng ideal pills for 3 weeks, 4X a week nag vitamin B... Sa continous yon sa 3 weeks, then sa 4th week niya mag bigay ka ng terramycin with vitamin for 7 days, saka mo paliguan ang K's pag medyo malakas na then sundan mo ng cod liver oil for 5 days, Ang pagkain niya huwag mong lalagyan ng mais, kahit anong feeds kailangan kasi madaling matunaw dahil mahina pa ang panunaw ng K's... more on sunlight ang K's huwag mong itatabi sa madilim na hindi masisikatan ng araw ok... Kapag straight na ang leeg at hindi na naikot ok na yan hayaan mong maka fully recover ang K's saka mo ibalik ang corn sa feeds.. then add some peanut ... OK NA K's MO...

 

 

NUTRENA FEEDS

By : Melchor De Asis