TIPS NI MANG TOM

 

1. ANO MAS MAINAM NA PANGLABAN NA KALAPATI ... COCK OR HEN?

Sa south lalo superset at auction, dahil 7 races gusto ko lamang Hen kaysa cock, dahil sa dulo (Tacloban) na two-day race na, ang hen Alam natin na mas maagang gumising at mas late humapon kung condition Sa long races ng south gusto ko mas madami hen.same reason at dahil hindi ako nag-widowhood.

 

2. PAANO MAPIPILI NA BEST ANG ILALABAN MO SA ONE-LOFT-RACE?

Sa one-loft-race ang guide ko lang ay pedigree ko kasi doon nakasulat mga performance ng K ko kasama breeders nila. In short alam mo kung anong line at anong distance bumanat na bloodline mo kaya kung anong distance ang one-loft-race finals yung ok doon ang gamit ko. Exception yung Percy Brown import ko pagdating breed agad at pinadala ko agad sa MDR dahil tiwala ako at isang old line ko, Salamat parehong nagclock bagamat 300+ na. Sa katawan gusto ko Medium. Experience ng bloodline sa distance ang basehan kung walang Pedigree.

 

3. SA MALAPITAN NA LABANAN ANO MAINAM COCK O HEN?

Sa malapitan pag gusto kong mag-champ, cock gamit ko kasi madaling Ma-motivate. Buwang sila sa bilis pag may pares lalo pag may maliit na inakay pero pag itlog palang usually unpredictable at walain pa. Sumali ako minsan FPA Rosario race, mostly cocks na motivated ginamit ko..200+ birds’ entry 1,2,3,4,5 & 6th ako 9 birds’ sali ko at top 14 lahat, actually sabay silang lahat dumating kaya lang phone gamit kaya nabiyak report. 1,2,3 Overall sila 3 laps short. Ganoon din Technique ko ng sumali ako sa "Single-Toss Race Against d Clock" at matindi result kinainisan ako..LOL

 

4. SA LONG DISTANCE NA RACE ANO MAINAM COCK O HEN?

Sa totoo lang parehas cock at hen nanalo sa akin sa San Franciso, Leyte . Pero mas lamang hen na nanalo sa akin sa long Distances kaya mas gusto ko hen at tulad din ng reason ko sa Number 1 question...given same bloodline and health condition.

 

5. PAANO MAPAPANATILI NA TOP CONDITION ANG K SA EVERY WEEK NA LABAN?

Actually breeding pa lang dapat sinimulan na iyon kaya ang Breeders may health program bago ipares at ang inakay cull agad kung may ano mang symptom ng kahinaan. Sa race ang trato ko sa kanila ay Athlete kaya tuloy training tosses nila kahit malayo na races at kung kaya 3 times a day paikot ko. Binibigyan ko ng supplements dahil extra-ordinary stress dinadaanan nila at anti Coccidiosis Preventive dose (Monday) kung nagpuputik ang paa ng iba. Individual Observation ang pagbibigay ko hindi flock treatment, yung mas nahirapan mas minamatyagan ko dahil kundi mawawala yun sa susunod dahil same-birds per week race natin sa pinas, ang pera sa overall lalo superset. Sa ibang bansa ibang approach. Again ang answers ko sa iyo, ayon sa system at experience ko sa Bloodline ko sa iba maaaring hindi pareho kaya dapat recording ng progeny at color ng K na ok para guide mo sa loft mo. Ang style ko nagpapainom agad kahit anong init, plain water or with Vitaminized glucose or lately Belgasol. Sa pagkakaalam ko hindi sa pagkalubog ng ilong ang dahilan ng sipon kundi "virus" na nakahawa sa K dahil sa haba ng exposure niya.

Tungkol sa peanuts, bagamat mainit sa katawan ito kailangan pa rin dahil mas mabilis maubos ang carbo niya sa katawan dahil mas stress ang K. Ang fats ang makakatulong sa kanya para d agad maubos ang laman niya, na siyang dahilan ng matagal na recovery.

Sa last lap ng South halos ganito din madalas ang temperature pero ng dumating ang mga San Francisco , Leyte birds ko na lahat ay Nahawakan ni Cham Tian Seng, ang sabi niya " parang hindi galing sa race" dahil hindi ubos ang mga dibdib nila.

Let me share 2 important techniques to handle this kind of weather during races: 1) Induce them to bathe twice a week, mondays and Thursdays..you may use plant spray first..then they will surely dip into your basin of water.That will help them recover immediately and induce their down feathers to drop. 2) Every wednesday start giving additional safflower in their feeds until day of basketing. Peanuts is also given sparingly.

Style ko lang ito, but I believe it could help you.

 

Happy Racing !

Tommy De Vera